Lahat ng Dapat Asikasuhin Bago Pagtuunan ng Pansin ang Pagkain sa Kasalan

Appetizers na handa sa Kasal

Ang kasal sa pagitan ng dalawang indibidwal ay isa sa pinakamagandang karanasan na posibleng pagdaanan ng kahit sino. Dahil dito, dapat lang na perpekto ang lahat. Mula sa simbahan kung saan ito magaganap hanggang sa pagkain sa kasalan, lahat ng ito ay dapat perpekto at di-malilimutan ng lahat ng makikibahagi dito, particular na sa mga ikakasal.

Isa sa mga pinakaimportanteng parte ng isang kasal at reception ay ang pagkain na ihahanda doon. Para sa mga Pilipino, malaking bahagi ang handaan. Kahit noong unang panahon, bago pa masakop ang Pilipinas, Malaki na ang respeto at kahalagahan ng pagkain. 

Ang Kahalagan ng Pagkain sa KasalanPagkain sa Kasalan

 Ang kasal ay isang mahiwagang kaganapan sa mga Pilipino. Kung ngayon ay masasabi mong engrande siya na okasyon, mas lalo mong mararamdaman ang bigat at laki nito noong unang panahon.

Bago pa masakop ang pilinas at mapasailalim sa proseso ng kasal ng mga kristiano, mayroon din silang sariling pagganap ng kasal. Ito ay mas matagal ipinagdidiwang, malimit umaabot ng tatlong araw dahil sa dami ng ritwal na kailangang gawin.

Kabilang sa mga dapat gawin sa mga ritwal na ito ay ang pagpapakain ng isang babaylan sa magnobyo ng kanin at ang paginom ng tubig na may halong dugo nilang dalawa.

Oo, kakaiba ang mga paniniwala noon at marami nang nagbago sa kung papaano idinadaos ang mga kasal, pero meron paring isang bagay na hindi nagbabago kahit gaanong katagal na oras na ang nakalipas. At ito ang pagkakaroon ng handaan bilang pagtatapos sa kasalan.

Malaking bagay para sa mga Pilipino ang pagbubunyi ng kahit anong pagdiriwang. Kung tutuusin, halos lahat ng mga kaganapan, lahat ng okasyon ay mayroon pagsasalong kasabay, o pagkatapos nito. Minsan ang paghanda ng pagkain ay para lang mayroong kainin ang mga tao habang nagpapakasaya o nakikipista. Ngunit hindi ganito sa kasalan. Ang pagkain sa kasalan ay isa sa pinakalamaliking aspeto ng okasyong ito dahil ito ang nagtatali ng lahat sa huli.

Sa mga kasal ngayon, malaking parte ang ihahandang pagkain ay dapat umaayon sa kabuuang tema ng kasal. Ang maling handa ay posibleng makasira sa kagandahan ng okasyong ito.

Pero syempre, isa lang ang pagkain sa kasalan sa mga dapat mong asikasuhin para maging espesyal at kabigha-bighani ang kasal mo. Dapat mong siguraduhin na ang lahat ng preparasyon ay naisaayos mo.

Maselang Pagplano ng Iyong KasalBride and Groom sa kasalan

Upang masigurado na maaasikaso mo lahat ng dapat asikasuhin para sa iyong kasal, kailangan mong planuhin mabuti ang lahat ng kakailanganin mo. Mula sa mga imbitasyon, sa lugar ng kasal, sa listahan ng mga bisita, at syempre ang pakain sa kasalan.

  1. Pumili ng Pangkalahatang Tema

 Ang kasal ay isa sa pinakamasya at pinakaimportanteng araw sa buhay ng dalawang ikakasal. Dahil dito, dapat lang na ang tema ng kasal ay sumasangayon sa kagustuhan ng magkasintahan.

Tandaan mo rin na ikaw ang may huling salita sa lahat. Araw mo ito. Lahat ng payo ng ibang tao ay payo lamang.

Hayaan niyong dumaloy ang isipan niyo sa kahit anong gusto niyo na tema. Kung kinakailangan ay magtingin kayo sa mga magazine at mga tema sa internet para mabigyan kayo ng inspirasyon sa kung ano man ang gusto niyo.

  1. Pagtaguyod ng Budget

Kapag nakapili na kayo ng tema para sainyong kasal, may ideya na kayo sa kung ano ang kalalabasan nito, kaysa niyo pagusapan ang pera. Kuwentahin niyo ang inyong posibleng budget. Kasama dito ang perang magagamit ng dalawang magkasintahan, ang kontribusyon ng kanilang pamilya, at iba pang mga puwedeng pagkuhanan ng pera.

Kapag mayroon na kayong maigagamit na budget, tingnan niyo naman ngayon kung posible ba ang lahat ng inaasam ninyo. Kapag hindi, hanapan niyo ng paraan o kaya naman piliin niyo nalang ang pinakaimportante para sainyo.

Tandaan na kahit mayroon na kayong nakalahad na budget, maging handa parin kayo sa mga posibleng dagdag na gastusin habang inaasikaso mo ang mga bagay bagay na may kaugnayan sa kasal. Wag kayong mahiya na manghiram ng pera sa mga kapamilya at kamaganak kung sa tingin niyo ay magkukulang kayo. O kaya naman subukan niyong gamiting ang mga abilidad ng mga kakilala niyo. Ang kasal ay isang mahal na okasyon. Kung kakayanin mo ay hanapan mo ng paraan upang mabawasan ang iyong mga bayarin.

  1. Pagbuo ng Listahan ng mga Bisita

Ngayon na mayroon na kayong kabuuang ideya ng kung paano niyo ipagdidiwang ang inyong kasal at may budget na kayong magagamit, oras na para ayusing ang listahan ng mga bisita niyo.

Kung maaari ay ilista niyo lang ang pinakaimportante na gusto niyong iimbita. Depende sa laki ng listahan ng inyong bisita ang laki ng gagastusin niyo para sakanila.

  1. Pagtatag ng Iskedyul

Pumili na kayo ng lugar kung saan niyo gaganapin ang kasal. Pagisipan niyo na rin kung gusto niyo ba na magkaiba ang lugar ng seremonya sa reception. Malaking bahagi ang pagpili ng lugar kung saan ka ikakasal dahil malimit, ito ang magpapakita ng tema, kagandahan, at kaayusan ng iyong kasal.

Pagkapili mo ng lugar, siguraduhing marereserba niyo agad ang gusto niyong araw ng iyong kasal.

Alamin na rin ang lahat ng dokumento na kailangan ayusin para sa kasal. Siguraduhing maaga ito matatapos. Kung kakailanganin ay humanap ng taong makakatulong sa pag asikaso ng mga dokumentong ito.

Sa pag ayos ng iskedyul na ito, parang nagset na rin kayo ng deadline para sa lahat ng kailangan niyong asikasuhin.

  1. Magsaliksik Tungkol sa mga Serbisyong balak Gamitin

Ngayon na tapos na ang pagaasikaso sa mga pinakaimportanteng bagay para sainyong kasal, kailangan mo naman ayusin ang dokumentasyon, ang pagaliw, ang mga palamuti at ang pagkain sa kasalan. Kung ikukumpara sa paghanap ng perpekto na lugar para sa iyong kasal, mas marami kang pagpipilian kapag naghahanap ka ng mga photographer at videographer o tagapagtustos ng pagkain.

Habang pumipili ng mga photographer at videographer, isipin mo na ang mga shots na gusto mong makuha. Gusto mo ba na pormal ang mga shots na kukunan, o gusto mon a meron ding mga candid at medjo journalistic na shots? Pagaralan mabuti ang mga package na inihhandog ng mga photographers na ito. Kung kailanganin ay pwede ka rin magsabi ng kung anong klaseng pagshoot ang gusto mo. Malimit naman ay madali lang kausapin ang mga photographer at videographer.

Pagdatin naman sa mga pangaliw o entertainment, ang pinakapopular ay ang musika. Kailangan mo naman pumili ngayon kung gusto mo ba ay live performances, mayroong DJ, o kaya naman ay pareho. Importante ito dahil ang musika ay isa sa mga pinakanakakatulong sa pagpalaganap ng tema ng kasal lalo na sa reception.

Hindi lang naman limitado ang entertainment sa musika lamang. Pwede rin naman kayo magpalabas ng mga bidyo o kaya magpasayaw kayo. Lahat ng ito ay nakabase sa kung ano ang gusto ng magkasintahan.

Isa pang malaking parte ng pagpapakita ng tema ng iyong kasal ay ang mga palamuting gagamitin mo. Mga bulaklak, mga dekorasyon, at iba pa na magpapaganda sa lugar ng kasal. Dito malimit nakikita ang pagcustomize ng ikakasal sa mga gamit nila. Kung minsa’y merong mga regalo para sa mga bisita, at ang mga regalo na ito ay naipa-customize para maging pagala-ala.

At syempre, hindi mo dapat kalimutan maghanap ng isang caterer na makakapagbigay ng lahat ng gusto mong ihanda o kaya naman makakapaghandog sainyo ng isang menu na talagang mapagiisa ang buong okasyon.

Sa pagsaliksik mo sa mga ito, importane na kolektahin mo ang mga contact info ng mga pinakagusto mo at kung gusto mo ay tumawag agad sakanila para magtingin ng mga sample ng kanilang serbisyo. Tumingin ka ng portfolio ng mga photographer, tingnan kung gaano kaayos ang mga entertainment, tignan kung gaano kaganda ba talaga ang mga palamuti, at tikman lahat ng balak na pagkain sa kasalan.

Siguraduhin na ang lahat nang preparasyon na ito ay malayo pa sa araw ng kasal. Mas maganda kung ang preparasyon na ito ay matatapos mo nang mayroon ka pang isang taon bago ang kasal mismo. Kailangan talaga na mayroong mahabang pagitan dito para kung mayroon mang lumabas na problema ay may oras pa ito para solusyunan.

  1. Pumili at Ireserba na ang Napiling Serbisyo

Pagkatapos mong magsaliksik at masubukan ang mga serbisyong gagamitin para sa kasal, piliin moa ng pinakaangkop sa tingin mo. Kung mayroon kang nagustuhang photographer, at mayroon siyang offer na perpekto para sa iyong kasal, kausapin at magusap na kayo tungkol sa kanilang magiging trabaho. Gawin rin ito para sa entertainment na napili at sa mga caterer. Siguraduhin na mayroong pito o walong buwan pa bago ang kasal mismo para kung mayroong  problema ay magagawan agad ng paraan.

  1. Magsimulang Magayos ng mga Imbitasyon

Maghanap ng template para sa mga imbitasyon o kaya naman maghanap ka ng maipagpapagwan ng mga imbitasyon. Siguraduhin na bago ito ipadala sa mga bisita ay wala itong mali, lalo na sa mga detalyeng tungkol sa petsa at oras, pagpunta, at lugar ng kasal.

Kung gugustuhin ay pwede rin kayong gumawa ng isang page sa internet na para lamanag sa kasal na ito. Pwede niyo dito ilagay ang lahat ng impormasyon na kailangan ng mga bisitang balak pumunta sa kasal.

Ang malimit gawin ay ipapadala ang mga imbitasyon kapag mayroon nalamang 6 hanggang 8 linggo bago ang pinakaokasyon.

  1. Magpareserba ng mga Utilities

Siguraduhin na lahat ng kagamitan na kakailanganin ay handa na para sa kasal at resepsyon. Kung ang okasyon ay nasal abas, siguraduhing mayroong portable na banyo, at tent kung sakaling umulan. Kung kailangan ng kagamitan na tulad ng Lights and Sounds, maghanap na agad ng maayos na provider. Siguraduhin na meron sila ng mga gamit na kailangan niyo tulad ng mikropono, maayos na mga ilaw, atbp.

  1. Ayusin ang Flow ng Kasal at Resepsyon

Pagisipan moa ng posibleng mangyare at magiging iskedyul ng lahat ng kaganapan sa kasal at resepsyon. Anong oras magsisimula ang kasal, anong oras pupunta ang mga bisita sa lugar ng reception, anong oras ang mga kantahan at ang mga magsasalita. Mas maganda kung mas detalyado ito.

  1. Ang Paniniguro

Siguraduhin na lahat ng nabanggit ay maayos na nang meron pang apat o limang buwan bago ang kasal. Tulad ng nasabi na, ang oras na iyon ay para sa mga posibleng problemang lumabas, at iba pang dapat ayusin ng magasawa na walang kaugnayan sa mga teknikal na aayusin tulad ng mga susuotin nila, mga bridesmaid ng nobya at ang pagplano ng honeymoon ng magiging magasawa.

Ang listahan na ito ay puno ng mga palaging sinasama sa pagplano ng kasal. Importante na ang mga ito ay ma-secure agad para makaiwas sa o kaya masolusyunan agad ang mga problemang lalabas.

Pagpili ng Pinakaangkop na Pagkain sa KasalanPag-ayos ng mesa at handa sa Kasalan

 Kita naman sa listahang inilahad sa taas na isa sa mga importanteng makuha agad ay ang ihahadnang pagkain sa kasalan. Ito ay dahil hindi ito dapat basta basta pinili lamang. Tulad ng pagkakaroon ng tema ng buong seremonya at resepsyon, dapat ay maipaparating rin ng pagkain na ihahanda ang kabuuang tema. Malimit, hindi lang nito ipapakita ang tema, binibigyang-diin niya ito.

Laging tatandaan na hindi ka lang dapat aasa sa mga inihahandog sayo ng mga tagapagtustos. Kung kailangan ay ikaw na mismo ang magsabi ng kung ano ang gusto mong pagkain para sa kasalan.

Sa pagpili ng menu, siguraduhin din na merong iba’t ibang klase ng pagkain na pwede kainin ng ibang tao na may mga allergy o kaya may sariling diyeta (mga vegetarian). Hindi mo kailangan baguhin ang buong menu, sapat na ang pagkakaroon ng mga pagpipilian para sakanila.

Kailangan mo rin pagisipan kung paano ang istiluo ng tagapagtustos. Gagawin mo bang plated, kung saan mayroong nakahandang pagkain para sa bawat bisita, o gagawin mo bang buffet-style kung saan sila na mismo ang pipili at kukuha ng gusto nilang pagkain.

Piliin ang Juan Carlo, ang Pangunahing Tagapagtustos ng Pagkain sa Pilipinas

Kung lahat ng aspeto ng kasal mo ay maayos na at ang kailangan mo nalang asikasuhin ay ang pagkain, piliin mo ang Juan Carlo bilang ang iyong tagapagtustos ng pagkain.

Ang serbisyo sa catering ng Juan Carlo ay isa sa pinakakilala at respetadong tagapagtustos ng pagkain sa buong Pilipinas. Sa dinamidaming pagpipilian na menu sa Juan Carlo, makakasiguro ka na meron silang perpektong menu para sayo!

Sa Juan Carlo masisiguro mong makakakuha ka ng marangyang serbisyo. Sisiguraduhin namin ang serbisyo na ibibigay namin ay walang katulad.

Interesado ka ba sa serbisyo ng Juan Carlo?  I-click lamang ang link sa dulo upang mai-reserba ang iyong tasting experience! O tumawag lamang sa: (02) 929 – 3674 / (02) 416 – 5134!

Bringing Elegance in your Celebration

Get our exclusive menu right in your Inbox!

Recent Posts

crown

Contact Us

crown

24B 11th Jamboree St. Tomas Morato, Quezon City

National Highway Soro-soro Karsada, Batangas City

Copyright © 2015 - 2025 Juan Carlo Site's SEO by SEO Hacker