Mga Makabuluhang Payo Ukol sa Paghahanda ng Pagkain sa Kasal

Pagkaiin at iba

Hindi biro ang pagplano ng kasal – engrande man o hindi – kaya nga minsa’y tumatagal ng isang taon o mahigit ang paghahanda. Bukod sa maraming kailangan asikasuhin tulad ng araw, lugar, at pagkain sa kasal, nais din ng ikakasal na perpekto lahat sa araw na kanilang pag-iisa. Bawat detalye ay inuusisa at sinisiguradong naayon sa kanilang gusto nang para bang binibigyan nilang buhay ang kanilang mga pangarap. Gagawin nila ang lahat para lamang makamit ang nais nilang imahe ng kanilang kasal at handa nilang isakripisyo ang kanilang oras at enerhiya para dito.

Nararapat lamang na asahan ang ganitong pag-uugali mula sa mga ikakasal dahil ang araw ng kasal ay isa sa pinakamahalaga sa kanilang buhay. Higit pa doon, mayroon lamang silang isang tsansa para gawin ito kaya’t kailangan na lahat ay perpekto hanggang sa pinakamaliit na bagay. Kaya nga ng nabanggit kanina, maraming kailangang asikasuhin sa pagpplano ng kasal. Para sa karamihan ng mga Pilpinong ikakasal, mahalaga ang lugar o simbahan kung saan ito gaganapin. Sunod dito ang araw ng kasal, bilang ng bisata, mga kadamitan, at ang pagkain sa kasal.

Sa lahat ng ito, isa ang pagpili ng pagkain sa kasal sa nagpapatagal ng pagpplano. Iba’t-ibang propesyonal ang kanilang nilalapitan at samu’t saring pagkain ang kanilang tinitkman. Metikuloso ang mga ikakasal pagdating sa pagpili ng pagkain dahil alam nila na ito ang pinaka-inaabangan ng lahat bukod sa aktwal na seremonya ng kasal. Gusto rin naman nilang maging masiya ang kanilang mga bisita kaya kahit pa hindi sila gaanong makakakain sa araw ng kasal ay binibigyan pa rin nila ito ng importansya.

Kung kayo ng iyong kabiyak ay isa sa maraming ikakasal na nahihirapan sa pagpili ng pagkain sa kasal, aming inirerekomenda na iyong ipagpatuloy ang pagbabasa ng artikulong ito dahil kami’y magbabahagi ng mahalagang impormasyon at makabuluhang payo ukol sa paksa na ito!

Dalawang Paraan ng Paghanda ng Pagkain sa Kasal

Pag-ayos ng mesa sa kasal

Ang unang pumapasok sa isipan ng karamihan – at marahil sa iyo na rin – kapag nasimulan nang pagusapan ang pagkain sa kasal ay ang paghahanap ng caterer. Gagamitin na nila ang kanilang mga koneksyon at magtatanong sa mga kaibigan at kamaganak kung mayroon ba silang mairerekomenda.

Kadalasang hinahanap ng ikakasal ay isang propesyonal o grupo ng mga ito na kayang ihanda ang mga paborito nilang pagkain. Maaring tradisyonal na Pinoy food ang ipapahain o kaya nama’y Italian or American–depende ito sa kagustuhan ng ikakasal at tema ng kasal. Ito man ang unang pumapasok sa isip ng mga tao, hindi lamang ito ang tanging paraan para maghanda ng pagkain sa kasal. Mayroon pang isang paraan na hindi kinukunsidera ng mga tao at iyon ay ang sariling paghahanda o self-catering.

Ang sariling paghahanda o self-catering ay nangangahulugan na ang ikakasal mismo ang gagawa o magluluto ng pagkain para sa kanilang kasal. Lahat, mula sa pag-isip ng mga putahe hanggang sa pagluto at paghain nito sa mga bisita ay responsibilidad na nila. Siyempre naman hindi lamang ang dalawang ikakasal ang gaganap sa papel na ito. Maari silang humingi ng tulong mula sa kanilang mga pamilya at kaibigan para ito’y maisagawa ng matiwasay.

Madali namang intindihin kung bakit hindi ito kinukunsidera ng mga tao dahil iniisip nilang hindi ito makatotohanan. Mahirap nga namang maghanda ng pagkain para sa isang pagdiriwang kung saan ang bilang ng mga bisita ay karaniwang umaabot ng 100. Gayunpaman, gaano man kahirap isipin na posible itong mangyari, sa katotohanan ay kayang kaya itong gawin. Hindi lang iyon, marami pang makukuhang benepisyo ang mga ikakasal pag pinili nila ang paraang ito.

Benepisyo ng Sariling Paghahanda ng Pagkain sa KasalPagluto ng pagkain para sa kasal

  • Hindi na Kakailanganing Maghanap ng Caterer

Masaya man gawin dahil marami kang matitikmang pagkain, may hirap pa rin na kaakibat ang paghahanap ng caterer. Ilang propesyonal ang kailangan mong kausapin at kitain bago mo mapili ang nararapat para sa araw ng iyong kasal. Pupuntahan mo sila sa kani-kanilang mga opisina. Kahit gaano kahirap isingit sa iyong mahigpit na iskedyul ay pilit mong pagtutugmain ang inyong mga oras dahil kahilangan.

Higit pa doon ay kailangan mong uusisain mo ang kanilang sistema at pamamaraan ng paghanda ng pagkain. Dapat mong siguraduhin na ang kanilang preparasyon ay malinis at ayon sa health standards para walang mapahamak sa araw nang iyong kasal. Marami pang dapat asikasuhin bukod sa mga ito pero pwede namang tanggalin ang abalang dulot ng paghahana ng caterer kung pipiliin mong mag self-cater.

  • Mas May Kalayaang Pumili ng Putahe

Ang caterer na gusto ng mga ikakasal ay hindi lamang iyong makagpahahanda ng masarap na pagkain kung hindi iyong magagwa rin ang gusto nilang putahe. Dito nagkakaroon ng problema ang marami dahil hindi lahat ng propesyonal na caterer ay kayang maghanda ng mga gusto nilang putahe. Bawat caterer ay may kanya-kanyang espesyalidad at karamihan ng nasa Pilipinas ay nakapokus sa Pinoy o Filipino food.

Sa kabilang dako, kung ikaw ang gagawa o magluluto ng iyong handa ay mas may kalayaan kang pumili ng putahe. Lahat nang pagkain gusto mong ihain ay pwede mong ihain at hindi ka limitado sa kakayahan ng isang propesyonal. Ngunit maari kang malimita ng sarili mong kaalaman sa pagluluto. Kung ganoon, maari namang humingi ng tulong sa iyong pamilya at kaibigan na marunong at magaling magluto.

  • Makakatulong sa Pagbawas ng Gastusin

Isa sa mga pinakamalaking dahilan kung bakit kailangan ikunsidera ng mga ikakasal ang self-catering ay dahil makakatulong ito sa pagbawas ng gastusin. Alam naman nating lahat kung gaano kamahal ang pag-arkila ng caterer. Hindi lamang ang paglulut ng pagkain ang binabayaran sa serbisyong ito kung hindi pati na rin ang labor. Pero pwede namang iwasan ang malaking gastos kung ikaw mismo ang maaghahanda na pagkain sa kasal.

Dahil nasa sa iyo ang lahat – kung anong putahe ang ihahain, ang mga kasangkapan na isasama sa pagkain, at kagamitan na gagamitin – mas madaling magbadyet. Maari mong mabili lahat ng kaliangan mo para sa maliit na presyo. Pagdating naman sa labor, maaring ipagpaumanhin mo ito sa iyong mga kamag-anak o kaya nama’y magbuffet style ka na lang sa iyong kasal at hayaan ang iyong mga bisita na pagsilbihan ang sarili nila.

Para magtagumpay ka sa iyong pagcater ng iyong kasal, kailangan lang ng mataimtim na pagpplano at sapat na tulong mula sa iyong mga mahal sa buhay. Tanggapin lahat ng tulong na iaalok sa iyo at siguraduhing bawat minute ay nagagamit ng tama. Kung hindi talaga kakayanin, hindi naman maling ipaubaya sa propesyonal. Marami ring benepisyo na makukuha sa paggawa nito, at iyon ang tatalakayin sa susunod na seksyon.

Tatlong Dahilan Kung Bakit Kailangan Ito Ipaubaya sa PropesyonalNakahandang pagkain sa kasal

  1. Iwas Dagdag sa Abala

Tunay naman na matagal na panahon ang kailangan ialay sa paghanap ng propesyonal na caterer pero mas marami at matagal na oras ang kailangan kung ikaw mismo ang gagawa ng lahat. Kapag inako mo ang responsibilidad kailangan mong gumawa ng menu, bumili kasangkapan at kagamitan, at maghanap ng mga tao na handang magsilbi sa araw ng iyong kasal. Higit na mas matrabaho ito kumpara sa pagpunta sa mga caterer at pagtikim ng kanilang mga nakalatag na putahe.

Nararapat mong tandaan na hindi lamang pagkain ang kailangan mong intindihin sa tuwing nagpplano ka ng iyong kasal. May mga imbitasyon ka pang kailangan asikasuhin, seating plans, at kung anu-ano pa. Karamihan sa ikakasal ay walang ekstra na panahon para magluto o maghanap ng magluluto abalahin ito sa araw ng kanilang kasal.

  1. Makapagpopokus sa Kasal

Sa araw ng iyong kasal, wala kang gustong gawin kung hindi magpakasaya kasama ang mga malalapit sa iyong buhay. Walang bride o groom na gustong alalahanin pa ang pagkain na ihahain sa kanilang mga bisita sa araw ng kanilang kasal. Ayaw na nilang mag-isip pa ng ibang bagay na maaring makasira ng kanilang mood.

Mahirap ito gawin kung hindi ka mag-aarkila ng caterer dahil buong araw mong iisipin ang pagkain na ihahain. Kahit pagkatapos ng kasal ay iisipin mo pa kung nasarapan ba ang mga bisita at kung naging masaya ba sila sa iyong celebrasyon. Kaya’t kung gusto mong magpokus lamang sa iyong kasal at magpakasaya sa araw na iyon ay mas mabuti nang mag-arkila ng caterer.

  1. Sigurado ang Kalidad ng Pagkain

Ang mga organisasyon na nagaalok ng catering services ay binubuo ng mga propesyonal na may ilang taon na karanasan. Karamihan sa kanila ay mga chef o cook at may mga espesyalidad kaya mahirap tapatan ang kanilang mga putahe. Makapaghahain sila ng pagkain na maaring hindi pa natikman ng iyong mga bisita. Sa paraang ito, tatatak sa isipan ng mga tao ang araw ng iyong kasal. Pag-uusapan ang pagkain na iyong ipinahanda at mas maraming alaala ang magagawa.

Huwag na natin itago ang katotohanan na, pagkatapos ng kasal, isa ang pagkain o ang kalidad at sarap nito sa mga bagay na hindi malilimutan ng mga tao. Kung hindi ayon sa kailang panlasa, gagawin nila itong batayan ng hindi dapat ihanda, at kung ito nama’y nagustuhan nila ay gagawin nila itong pamantayan ng pagkain sa kasal.

May kaniya-kaniyang benepisyo ang dalawang paraan ng paghanda ng pagkain sa kasal at nasa’yo na ito kung ano ang pipiliin sa dalawa. Bilang pahuling payo ukol sa paksang ito, gusto lang naming sabihin na mas nakabubuti nga para sa iyong bulsa kung ikaw ay magself-cater subalit mas matrabaho at masakit ito sa ulo. Mabuting piliin ang opsyon na ito kung kakaunti lamang ang bisita at may kakilalang magaling magluto.

Kapag naman malaki ang handaan at maraming bisita at walang kakilala na magaling magluto, mas mabuting mag-arkila ng caterer para hindi ka na maabala sa araw ng iyong kasal. Kapag ito ang iyong napili, may maibibigay kaming payo na dapat mong alalahanin bago ka pumirma ng kontrata o pumayag sa kahit anong package. Ipagpatuloy lamang ang pagbabasa para malaman kung ano ang mga ito.

Mga Dapat Alalahanin Bago Mag-Arkila ng CatererInumin at dekorasyon sa kasal

  • Humingi ng Rekomendasyon

Bago ka maghanap ng mga caterer sa internet o kung saan pa man, gawin munang humingi ng rekomendasyon mula sa iyong pamilya o kaibigan. Magandang tanungin ang mga taong kakatapos lang ikasal tungkol sa bagay na ito. Kung hindi man sila makagparekomenda ng maayos na caterer, baka naman may mga kilala sila na dapat iwasan. May mga pagkakataon din na kaibigan o kakilala nila ang mga ito at maaari kang makakuha ng discount.

  • Magtanong sa Venue

May ilang venue na may listahan ng aprobadong caterer. Ang mga listahan na ito ay kinakailangan marahil dahil sa insurance requirements o kaya nama’y alam na nilang katiwa-tiwala ang mga ito. Kaya kung hindi pa rin makahanap ng maayos na caterer gamit ang rekomendasyon ng pamilya o kaibigan, subukang magtanong sa venue. May mga benepisyo din na kasama ang pagpili ng caterer mula sa kanilang listahan. Una ay siguradong maganda ang kalidad ng serbisyo at ang ikalawa naman hindi na mahihirapan ang pagkoordina ng venue at caterer dahil may relasyon na ang dalawa.

  • Magtakda ng Badyet

Madaling magtapon ng pera para sa pagkain pero dapat itong iwasan kung ayaw mong maapektuhan ang ibang aspeto ng iyong kasal. Bago pa maghanap ng caterer, siguraduhin muna na nakasemento na ang badyet at iwasan itong lagpasan. Maari namang bigyan ang iyong sarili ng kakaunting leeway o scope basta lang masigurado na hindi ka maglalabas ng pera na lagpas sa iyong kakayahan.

  • Ipaalam Agad ang Requests

Hindi naman bago sa mga caterer na makatanggap ng special requests mula sa ikakasal pero mabuti nang ipaalam agad ito sa kanila. Sa unang pagkikita pa laman, sabihin mo na kung ano ang mga ito – kung ikaw ay may allerhiya o kaya nama’y hindi kinakain na pagkain. Kahit ang mga kalusugan at kagustuhan ng iyong bisita ay dapat din isipin pero prioridad ang sarili mong hiling. Ginagawa ito para maayos agad ng maghahanda ang menu at maiwasan ang pagpalit-palit ng putahe.

  • Tikman ang Nais na Putahe

Ito ang pinakamahalagang gawain na hinding hindi dapat kaligtaan. Kung hindi mo titikman ang putahe ng caterer, paano mo malalaman kung ayon ito sa iyong panlasa at magugustuhan ito ng iyong mga bisita? Iwasang ipaubaya itong gawain na ito sa iba dahil iba ang panlasa ng bawat tao. Maaring magustuhan nila ang isang putahe na indi mo naman gusto.

  • Siyasatin ang Sakop ng Serbisyo

Hindi lahat ng caterer ay may kasamang servers at waiters na magsisilbi sa iyong mga bisita sa araw ng kasal. Ang iba sa kanila ay talagang gagawa lamang ng pagkain at dadalhin ito sa venue at ikaw na ang aasahan na mag-arkila ng waiters at servers. Kaya bago ka pa sumangayon sa kanilang presyo, tiyakin muna kung ano ang sakop ng kanilang serbisyo. Baka may serbisyo kang inaasahan ngunit hindi naman pala dadating sa nakatakdang araw.

Ipagkatiwala ang Pagkain sa Kasal sa Juan Carlo!

Hanap mo ba ay catering service na makasisisgurado na ang iyong pagkain sa kasal ay ang pinakamasarap sa lahat at walang katapat? Kung gayon, ipagkatiwala na ito sa Juan Carlo!

Juan Carlo ang pangunahing catering service sa Pilipinas. Napagserbisyohan na namin ang ilang tanyag na tao sa bansa at tanging puri at sila’y pinauulanan ng puri at mabuting salita. Hindi lamang masasarap at kakaibang putahe ang nagpapaangat sa amin kung hindi pati na rin ang kalidad ng aming serbisyo. Marami na kaming mga parangal na natanggap sa loob ng industriya ng Food Catering and Service. Naatim namin ito dahil sa tunay naming kakayahan at karanasan sa industriya na sa ngayon ay aabot na ng limang taon.

Sabik ka na bang matikman ang mga putahe ng Juan Carlo at maranasan ang aming walang kapantay na serbisyo? Nais mo bang tingnan ang aming catering services at iba pang wedding packages? Tumungo lamang sa page na ito and mag-book ng tasting session!

Bringing Elegance in your Celebration

Get our exclusive menu right in your Inbox!

Recent Posts

crown

Contact Us

crown

24B 11th Jamboree St. Tomas Morato, Quezon City

National Highway Soro-soro Karsada, Batangas City

Copyright © 2015 - 2024 Juan Carlo Site's SEO by SEO Hacker